Isang mabusising Gabay kung paano makapasok
sa isang pampublikong paaralan
Part 1: Pagpapasa ng Requirement
Wala ka bang mapagtanungan kung paano
mag-apply sa public school? Wala ka bang malapitan? Kung ganon, parehas tayo ng
naranasan haha. Ganyan din ako last year, buti nalang may nagmandang loob na
nagbahagi saking ng buong proseso ng pagpapa-rank. Ayun, bilang ganti,
ibabahagi ko din sa inyo. So, kung wala ka din matanungan, para sa iyo ang
guide na ito HAHA
DISCLAIMER: Eto yung experience ko from my
ranking last 2017. So pwedeng magkaroon ng slight differences yung process and
requirement this year.
Kung nahahabaan ka sa paliwanag na ito, maari
mo ring panoorin ang video na ginawa ko tungkol dito:
Sooooooo January na! Kung plano mong sumubok na mag-apply sa isang public school (AKA magpa-rank) eto na ang tamang panahon. Karaniwang nagsisimula ang application process sa DepEd nang mga gantong panahon. Base kase sa aking naranasan, ganito ang rough schedule ng application process:
- JANUARY – pagpapasa ng requirements at iba pang documents
- FEBRUARY – scheduled demonstration teaching and interview
- MARCH – English examinations (AKA EPT – English Proficiency Test)
- MAY – release ng RQA (registry of qualified applicant)
OK! So ano ba ang una mong dapat gawin?
Una, pumunta ka sa pinakamalapit na school (or yung school na gusto mong
pagturuan) sa inyong lugar. Mas malapit mas maganda. Hindi naman kasi porke dun
ka sa school na yun nagdemo at nainterview, dun ka na mapupunta. Mas malaki din
ang possibility na kahit makapasa ka sa ranking, sa ibang school ka padin
mapunta. Lalo na kapag full na yung teachers sa school na pinag-apply-an mo or
hindi nila kailangan yung majorship mo (ouch).
So ayun, pag punta mo sa school, lapit ka
either sa principal or sa head teacher, sila kasi ang nakakaalam ng schedule at
requirements for applying. Parang sila ang HR ng mga school. Most probably,
bibigyan ka nila ng checklist ng mga kailangan mong ipasa, na ililista ko padin
sa ibaba.
[NOTE: itanong mo na din kung anong
preference nila sa folder, kung short ba o long, kung paper folder ba o yung
sliding folder. In my case, long na sliding folder ang ginamit ko, dahil lahat
ng documents at requirements ay naka-print o naka-xerox sa long na papel.]
Pag nag-search kayo online, may makikita
din kayong iba pang listahan ng requirements for applying. Pero eto, ililista
ko yung requirements na dapat ipasa based dun sa application requirement na
binigay sakin last year. After the list, ipapaliwanag ko isa-isa kung ano yun
at kung saan kukunin.
Soooo, eto na ang listahan na dapat mong
ilagay.
- Table of Contents
- Letter of intent (aka cover letter)
- Resume
- CSC Form 212 (aka PDS – Personal Data Sheet)
- PRC License – photocopy
- LET Rating – photocopy
- Transcript of Record (aka TOR) – photocopy
- Service Records (aka certificate of employment) – photocopy
- Specialized Trainings and Seminars Certificates – photocopy
- Voters ID or COMELEC Certification – photocopy
- NBI Clearance – photocopy
- Omnibus Certification of authenticity and veracity of all documents submitted
[Sa ibang listahan na na-search ko dati
online, may mga iba pang karagdagan na requirements, tulad ng birth
certificate, bir forms 1902, at iba pa. Siguro sa ibang school ganun.]
PAGKUHA NG UNIQUE APPLICATION NUMBER (aka
UAN)
Una, dapat kang mag-secure ng UAN o Unique
Application Number. Para makakuha ka neto, kailangan mong pumunta sa
application.deped.gov.ph. Click mo yung apply and gumawa ka ng account sa site
na ito, gamitin mo na yung email na lagi mong ginagamit. Pagkatapos mong gumawa
ng account, pindutin mo yung “UPDATE PDS” at kumpletuuhin mo ang pag-pi-fill ng
form. After mo makumpleto yung PDS form, mag-submit ka ng application.
Piliin mo sa Office Level: DIVISION
Piliin mo sa CO Strand/Region: (kung saang
region ka)
Piliin mo sa CO Bureau/Service/Office -
Division/Division Office: (kung saang city ka or province)
Piliin mo sa Position: Teacher (Entry
Level)
Tapos click mo yung next, sundin mo lang
yung instruction, then lalabas na yung applicant number mo.
LIST OF REQUIREMENTS
TABLE OF CONTENTS
Ilista mo lang yung mga requirements na
laman ng folder mo. Bukod sa magiging organized yung folder mo, gaganda pa lalo
na kapag transparent na sliding folder ang gamit mo.
LETTER OF INTENT
Eto yung cover letter, na nagpapahayag ng
iyong intension na mag-apply at kung bakit ka nila dapat tanggapin. So dito mo
ibibida yung mga qualifications at about sayo na hindi nila makikita sa resume
mo.
RESUME
Syempre, kailangan mo ng isang malupet na
resume. Ibida mo na lahat ng skills, experience at qualifications at iba pa.
Dahil baguhan lang tayo, mas slick tignan pag one-page lang yung resume natin.
Ang tanong, kasya ba? Haha, kasya yan.
CSC FORM 212 (AKA PDS – PERSONAL DATA
SHEET)
Eto na yung isa sa pinakamatrabahong gawin,
ang PDS o personal data sheet. Bale, four pages yan, na kapag pinrint ay
back-to-back. Actually, pwede mong madownload ang form na ito. Pero diba, sabi
ko kanina, pwede mo itong i-download sa DepEd Application Site? Oo. Pero mas
maayos i-print kapag galing sa excel template ang ipi-print mo. Kailangan mo
din pala ng cedula para sa PDS. Ilalagay mo kasi sa form yung community tax certificate
number.
PRC LICENSE – PHOTOCOPY
By this time, siguro natanggap nyo na yung
PRC ID diba? Kahit September taker eh dapat nakuha na yung lisensya by this
time. So ipo-photocopy lang yung ID back to back, sa isang page lang.
Siguraduhin nyo na may pirma na yung likod nung lisensya nyo. Orayt.
LET RATING – PHOTOCOPY
Ayun, ipo-photocopy nyo lang din yung
rating na nakuha nyo sa LET. Eto yung paper na nakalagay yung score mo dun sa
tatlong area nung exam at yung general average mo.
TRANSCRIPT OF RECORD (AKA TOR) – PHOTOCOPY
Eto naman yung kopya nung mga grades nung
college. Kailangan mo lang ipa-photocopy kung ilang pages man yung TOR ng
school nyo. Ngayon, swerte kayo kung may computation ng GPA/GWA yung TOR mo.
Kung wala, ayun ilalagay mo sa margin nung TOR yung computation ng GWA mo. HAHA.
Katulad nung sakin, sa PNU walang GWA yung TOR kaya manually ko pa ki-nompute.
(NOTE: Baka ayaw nung panel nyo na may sulat yung TOR at nasa separate sheet of
paper yung computation, kaya magprepare na kayo ng may GWA at walang GWA)
SERVICE RECORDS (AKA CERTIFICATE OF
EMPLOYMENT) – PHOTOCOPY
Kung meron ka nang ibang teaching
experience, at meron kang Certificate of Employement or COE, i-photocopy mo
lang. Kung may kasama syang Good Moral, Clearance, etc, isama mo na rin para
sure.
(kapag kasalukuyan kang employed halimbawa
sa isang private school, maglagay ka nalang ng letter informing the panel na
may current work ka, at ang contract mo ay hanggang anong date lang, at
magkakaroon ka ng service record soon at to follow na lang. Eto yung sample
letter attachment na pwede mong ilagay
SPECIALIZED TRAININGS AND SEMINARS
CERTIFICATES – PHOTOCOPY
Eto naman yung mga seminars na na-attendan
mo. Sinubukan kong isama yung mga seminars na inantendan ko nung college pa
lang ako. HAHA, di ko sure kung na-counted sya. Kase, kumuha ako ng National
Certificate o yung NC na tinatawag nila na galing sa TESDA. Advise to ng isang
teacher dun sa school, dahil ka0opllllpag may NC ka, ayun, malaki na agad ang
points nun sa ranking.
Kapag kasalukuyan kang nag-te-training sa
TESDA or any vocational institutions, at inaasahan mo na magkakaroon ka ng
National Certificate, maglagay ka nalang ng letter informing the panel na
magkakaroon ka ng specialized training at to follow na lang, 10 points yan bes
pag may National certificate ka.
VOTERS ID OR COMELEC CERTIFICATION –
PHOTOCOPY
Katulad nung PRC ID, photocopy mo lang din
back-to-back sa isang page ang Voter’s ID mo. Ang naging problema ko neto ay
hindi pa issued ang voters ID ko (kabagal ba naman ng proseso sa Pinas). Kaya
kailangan mong kumuha ng “voter’s certification” sa local Comelec or munisipyo
sa lugar nyo. Huling kuha ko ay 50 pesos, dalawang kopya na. Pero kung hindi ka
pa registered, siguro magparegister ka at sabay magpa-issue ka ng
certification.
NBI CLEARANCE – PHOTOCOPY
Isa din sa kailangan ay ang NBI clearance.
Kung wala ka pang clearance, kumuha ka na syempre, haha. Kung meron ka na,
i-check mo muna kung valid pa din yan, Kase alam ko 1 year lang validity ng mga
NBI clearance eh. Medyo tricky na ang pagkuha ng NBI clearance ngayon, haha,
kailangan mo pang mag-apply online, magpa-schedule, tapos punta sa
pinakamalapit na NBI Office sa lugar nyo.
Eto ang website ng reservation sa para sa
pagkuha ng NBI Clearance
Website ng NBI Clearance:
www.clearance.nbi.gov.ph
OMNIBUS CERTIFICATION OF AUTHENTICITY AND
VERACITY OF ALL DOCUMENTS SUBMITTED
Eto yung document na sumusumpa ka sa langit
at lupa, na lahat ng ipinasa mong requirement ay legit at legal. HAHA. So eto,
kailangan mo lang mag-download ng template, fill-out mo, ng info mo, tapos
dadalin mo sa notary public lahat ng requirements mo. Lalagyan kasi nila ng
seal lahat ng documents mo kasama na etong Omnibus sa dulo ng papeles.
AFTER THAT, YOU’RE SET. Good to go ka na!
Ipasa na yan sa school kung saan mo gusto magpaevaluate (demo and interview).
Tandaan lang na hindi porke’t dun ka sa school na yun nag-apply ay doon ka na
mapupunta. HAHA
After mong magpasa ng requirements (2
copies), hantayin mong tumawag yung school na pinagpasahan mo. Laging dalin ang
phone, hehe. Once na tumawag, take note mo yung:
- Date at time ng demo, na karaniwang date na din ng interview. In my experience, after ko magdemo, kasunod na agad yung interview.
- Kung anong topic ba ang dapat mong i-demo, kung ilang oras ang demo (na karaniwang isang oras, kasi sa estudyante ka mismo magde-demo)
GOOD LUCK SIR/MA’AM. Kayang kaya nyo yan :)
Very helpful! Thank you po!!
ReplyDeleteSir kapag po ba demo sa pag aaply sila po ba ang magbibigay ng topic? O bibigyan ka po nila beforehand pra mka prepare o on the spot po ba un? Pano po sistema dun sir? Thank u!
ReplyDeleteIkaw po ang pipili ng topic beforehand para makapag prepare ka. Di naman on the spot yun (sa experience ko)
Deletethank you so much for this info sir 💜💜💜
ReplyDeleteSir. Good day. Tanong ko lang po kung pano po kapag nagpasa ngaun ng mga papeles na yan pero di tinawagan, magpapasa po ba ule sa next na pasahan?
ReplyDeleteOpo, magpapasa po ulit.
Deletegood day sir! mag pprovide po ba sila ng projector kapag mag ddemo ka? o magdadala po ng sarili? salamat po sa reply :)
ReplyDeleteNakadepende po iyon sa availability sa school. Pwede naman po silang magpahiram kung available, pero kapag hindi, kailangan po talagang magdala ng sarili.
DeleteNeed ba na registered voter ka sa mismong lugar na iyon? Or okay lng po kahit sa ibang lugar ka nakarehistro
ReplyDeletehindi naman po. Kaya po hinihingi ang voter's ID / registration dahil mas ipa-prioritize po ng school kunin yung mga nakatira po around sa area malapit sa school.
Deletehi Sir. Ask ko lang po. yung sa License, rating at TOR po ba need pang ipaauthenticate (certified true copy) thankyou po sa pagsagot. God bless
ReplyDeleteHi! I would like to apologize for not replying in your question. Sobrang dalang ko lang po buksan etong aking blogspot :D
DeletePero regarding po sa question nyo, lahat po ng laman ng application folder nyo ay ipapa-authenticate sa notary as stated po sa omnibus certification, isang authentication lang lahat ng documents
What a great help!!! Thank you po much 😀
ReplyDeleteVery helpful. Salamat po. ��
ReplyDeleteThank you po
ReplyDeleteThank you po.
ReplyDeleteTanong ko lang po kung dapat po ba bagong TOR? O kahit yung inisyu na nung grumaduate Sir? Like 10 years ago po.
ReplyDeleteSorry sa late na reply. Kung presentable pa naman po yung TOR, pwede pa naman po iyon.
DeleteWow. Idol! 🥰🥰🥰🥰 Thank youuuu 😍💖🥳💙
ReplyDeleteSir, for example po ba taga pampanga ako at gusto ko magparank sa bulacan pwede po ba yon?
ReplyDeleteTechnically po, pwede, pero once na makita po sa voters/ID na di po kayo taga doon, may probability po na iprioritize nila yung mga totoong taga-Bulacan
DeleteThe best casino bonus codes - DrmCD
ReplyDeleteFree spins and no deposit bonuses in casinos, The list of the best casino bonuses online has been 영주 출장마사지 made 남원 출장마사지 계룡 출장샵 The 상주 출장안마 most popular is Starburst: Free Spins, 샌즈
Good day Sir! Gusto ko po sana magtanong kung pwede pa po magparank sa SHS kahit na nakapasok na sa RQA ng JHS? Sana po e mapansin niyo,wala po kasi akong mapagtanungan. Thank you!
ReplyDeleteNotary Public North Carolina:
ReplyDeleteSearching for a trusted notary public in North Carolina? Our certified professionals ensure accurate and legally compliant document notarization statewide.
Sir, pagnagkaroon po ba ng mga certificates sa national or training certification sa Tesda my expiration po ba Yun,Kung ilang months or taon Lang sila pwede Para sa requirements for ranking? Thank you po🙂
ReplyDelete